Friday, September 26, 2008

OFW karanasan: isang salita

(written by Leony Acuna-Martinez)

OFW karanasan: isang salita (written by Leony Acuna-Martinez)

Dear friends,

Here’s a story that we would like to share with you. This is a very usual kind of story which we, Filipinos should ponder and learn our lesson from.
We hope to disseminate this story to solicit some reflections, advices and reactions from you.
We also hope that this may serve as an eye opener to those planning to work away from home.
We hope that you would find time to read it.

Yours truly,
Leony V. Acuna-Martinez


September 25, 2008 – Limampung (50) araw na ngayon ang lumipas magmula ng makabalik ng bansa ang Tiyahin naming si Odet Villamor (42 years old, high school graduate at dalaga) na halos dalawang taong namasukan bilang katulong sa bansang Malaysia. Dalawang taon na hindi naging madali para sa aming pamilya ni Odet, sa pamilya ng kanyang employer na si Liza Nadia Tan Thuan Li at higit sa lahat para kay Odet.
Dahil dito, magandang maibahagi sa iba ang karanasan ni Odet at ang karanasan naming mga nagmamahal sa kanya upang mapaghalawan ng aral at maging gabay sa aming lahat at gayon din sa inyo.

Buwan ng Abril 2006 ng kausapin kami ni Excel (asawa ni Nadia), nais daw nilang mag-asawa na kunin si Odet bilang tagapag-alaga o yaya ng kanilang mga anak. Si Excel ay matagal na rin naming kaibigan at nang kanyang mapangasawa si Nadia at sila’y manirahan din dito sa Pilipinas, naging kaibigan na rin siya ng aming pamilya. Sa pag-uusap na iyon, sinabi niya na Tourist Visa muna ang gagamitin ni Odet ngunit nangakong aayusin nilang mag-asawa ang kanyang working visa pagdating ni Odet sa Malaysia. Kasama din sa pangakong ito ang paggawa nila ng kasunduan o kontrata, na 8,000-9,000 ang kanyang sahod, at may 1 araw na day-. off kada linggo.

Agosto ng taon ding iyon ng makaalis ng bansa si Odet. Malungkot kaming lahat ng umalis si Odet. Nasanay kami na sa 40 taon niya ay kasama namin siya. Ngunit kahit papaano, naibsan ang alalahaning ito na hindi naman ibang tao ang tutuluyan niya sa Malaysia, na makakapamasyal din siya habang kumikita.

Madalas din namang tumatawag si Odet. Sa mga pagkakataong iyon, kinukumusta din namin ang kanyang kalagayan sa trabaho at naaalala ko kapag nakakausap namin ang kanyang employer, sinasabi nito na inaasikaso na nila ang kanyang working visa. Hanggang sa dumating ang panahon na nagpadala na rin ng sahod nya si Odet (November 2006). Dito lang namin nalaman na ang kanyang sahod ay 550 ringgit o 7,000.00 pesos na lang. Ayon kay Nadia, marami daw kasing gastusin sa paglagi ni Odets a Malaysia, kasama na raw dito ang 100 ringgit na bayarin sa Immigration bawat buwan at o tax.

Sa paglipas ng panahon, nariringgan namin ng hinaing si Odet. Pagkapagod sa pag-aalaga at pag-aasikaso sa bahay. Sa aking palagay, kayang-kaya ni Odet ang trabaho dahil ika nga nilang mag-asawa, halos lahat ng gamit nila sa bahay ay de-pindot o de kuryente. Ngunit kahit sinong katulong ay aangal at magiging iritable kung hindi ka makakapg pahinga ng isang beses isang linggo. Kung ang mga manggagawa nga sa pabrika ay nagpapahinga tuwing linggo, marapat lamang na ang mga manggagawa sa bahay ay magpahinga. Kung tutuusin, mabuti pa ang mga nasa pabrika, 8 oras ang trabaho, kapag lumagpas, may overtime pay. Ang mga kasama natin sa bahay, nagtatrabaho ng sobra sa 8 oras, pagpapadede sa baby kahit dis oras ng gabi at pagkalinga sa mga ito lalo na sa maraming panahon na ginagabi ng pag-uwi galing sa trabaho ang mga magulang nito.

Lumipas pa ang mga ilang buwan, wala pa rin kaming nakitang kontrata hinggil sa pagtatrabaho ni Odet. Nang mga panahong ito, napagtanto na namin na isa man sa kanilang pangako ay walang natupad. Ngunit di na rin namin ito iginiit. Marahil ay iniisip namin na ang pangngibang bansa niya ay lakwatsa na rin para kay Odet, tutal ay malapit na rin naman ang dalawang taon na kasunduan, tutal kahit papaano ay nakakabayad siya sa kanyang naiwang utang sa NOVADECI at higit sa lahat, tutal kahit papaano ay di naman iba sa aming pamilya ang kanyang pinagsisilbihan. Buwan ng Pebrero ng taong kasalukuyan ng makausap namin si Nadia.

Katulad ng inaasahan sa mga ugnayan na di inaayos, naglabas si Nadia ng kanyang mga hinaing hinggil sa kung papaano ginagawa ni Odet ang kanyang trabaho. Ang paminsan minsang pag-alis ng di nag-papaalam, ayaw magsalita ng English at pagdadabog. Sa gitna ng ganitong kalagayan, minabuti naming tawagan si Odet upang ayan, mahalaga na sabihin at malaman na ilang buwan na rin na hindi pinapasahod ni Nadia si Odet. Katwiran nito, gusto nya na mag-ipon at makapag-negosyo si Odet pag-uwi nito sa Pilipinas. Ayon pa dito, may karapatan siyang gawin ito bilang employer ni Odet. Kaya’t minabuti namin na kausapin si Odet upang maitama ang kanyang mga gawi. Nakakatuwa ang sagot ni Odet nang sabihin namin sa kanya ang mga hinaing ni Nadia, sabi nito, “ikaw ba naman ang magtrabaho ng di sumusuweldo, pag hindi ka tamarin at maging iritable”.

Dahil tingin namin ay lakwatsa rin ang kanyang pangingibang-bansa,iniisip namin na maganda kung may pocket money siya sa tuwing mamamasyal siya kasama ang buong pamilya. Baka may mga gusto siyang bilhin o di kaya’y gawin sa kanyang pera. Kaya’t sa aking palagay, walang sinuman ang may karapatan sa sahod ng isang tao kundi ang taong nagpagod para sa sahod na iyon.

Dahil nais din ni Odet na maayos ang kanyang pagkakautang sa NOVADECI (siya ay naging kasapi nito mula pa noong 1980) nagpilit ito na makuha ang kanyang sahod kayat noong March 27, 2008 ay pinadala ni Nadia ang kanyang 3 buwan na sahod. Ito na rin ang huli.
July 7, alas 11:00 ng gabi ng makatanggap ako ng tawag mula kay Nadia. Narinig ko ang nakapanlulumong balita. Hinuli ng mga Immigration Officers si Odet ng 1:00 ng hapon ng araw ding yon. Dugtong pa nito, huwag kaming mag-alala at di nila pababayaan si Odet. “ Mistaken Identity” lang at maaari na itong makalabas ng Deportation Camp pagkalipas ng mga 2-3 araw.
Sa tulong na rin ng tanggapang pangkapayapaan na pinapasukan ng aking kapatid, nakipag-ugnayan kami sa Philippine Embassy at ayon sa kanilang pagkaka-alam, tumatagal ng 14 na araw ang imbestigasyon at kinakailangan pang magbayad ng 7,000 ringgit bilang fine. Ibig sabihin, hindi totoong mistaken identity ang kaso kundi Illegal Stay!! Ibig sabihin, hindi 2 araw kundi pinaka mababa sa 2 linggong pagkaka-kulong. Hindi nagsabi ng totoo si Nadia.

Sobrang pag-alala at takot ang nararamdaman ng buong pamilya lalo na ang kanyang mga kapatid. Di namin siya nakakausap kung ano na ang kalagayan niya. Ganito pala ang pakiramdam ng mga pamilyang humihingi ng tulong para sa pamilya nila na nakulong o nawawala sa ibang bansa. Tawag dito, tawag doon. Usap dito, usap doon. Nakakapanlumo at nakakapagod. Kumita rin ng husto sa amin ang GLOBE sa laki ng gastos namin sa pagtawag.
Salamat sa Diyos, maraming taong naging instrumento para matulungan kami. Makalipas ang sampung araw na pagkakakulong, muling tumawag si Nadia at ibinabalita na nakapagbayad na sila ng fine at ginagawan nila ng paraan ang pambili ng tiket (air fare) ni Odet. Regular na pagka-usap sa mga kinatawan ng Embahada ng Pilipinas sa Malaysia at nagsisikap na madalaw at makumusta si Odet. Ang arresting officer na si Mr. Hatashim na nagbibigay ng impormasyon sa totoong mga nangyari kay Odet, at higit sa lahat, sa tanggapan ng aking kapatid na si Paula.
Sa huling pag-uusap namin ni Nadia, nagkaroon kami ng kaunting pagtatalo na nauwi sa paghamon sa kapasidad ng aming pamilya. Noong oras ding iyon ay kinausap ko si Excel at ipinaliwanag na maaaring nagkaroon ng miskomunikasyon sa aming pag-uusap at aking tiniyak na walang balak ang aming pamilya na dalhin ang usapin sa legal na pamamaraan. Ang tanging nais lang namin ay ang makauwi ng bansa si Odet, nang buhay at nasa tamang pag-iisip.
Makalipas nga ang ilang araw,muling tumawag si Excel at sinabi na na-empake na nila ang mga gamit ni Odet at nakagawa na sila ng paraan para sa perang pambili ng tiket ni Odet. Ngunit laking gulat ko ng sinabi ni Excel na kailangan ko daw mag-email kay Nadia para patunayan na hindi daw kami magpa file ng anumang legal action laban sa kanila. Diyos ko, pagkatapos nag lahat ng mga nangyari lalo na kay Odet, hindi ba at maliwanag na ito ay isang pangba black-mail???

Sayang na pagkakaibigan, sinubok ng pagkakataon, nauwi sa wala. Paulit ulit ko mang sabihin na hindi namin balak na magsampa ng kaso. Ang aming dahilan, pagkakaibigan.
Bagaman hirap, nagtulung-tulong ang aming pamilya upang mabilhan si Odet ng tiket pauwi, kahit pa ang ilan ay inutang lang. Hindi biro ang humigit-kumulang na 40,000.00 pambili ng tiket (Pinang-Singapore-Philippines) Sa tulong na rin ng Panginoon, nakauwi si Odet ng July 25, pagkatapos ng labing walong araw na pagkakakulong sa Deportation Camp.

At katulad nga ng marami nating mga kababayan na nakukulong sa ibang bansa, umuwi ang Tiyahin ko na isang maletang luma ang dala-dala, na may lamang mga lumang damit, lumang paper bag at iba pang mga ukay-ukay (2 daw yun dapat, pero ang isa ay sobra na sa timbang at kailangan nang bayaran. Sabi ni Nadia, ipapadala na lang daw niya sa asawa niya pag-uwi ng Pilipinas.). Ang ilang buwan niyang sahod ay hindi rin naibigay, dahil siguro sa mga bayarin sa kanyang pagkakakulong, kinapos sila. Nangako naman si Nadia na kanyang kukwentahin ang natitirang sahod nito at agad niyang ipadadala dito sa Pilipinas.
Subalit limamnpung araw na ngayon ang lumipas, abala daw silang mag-asawa at may krisis-pampinansyal (tinawagan at nag tex si Odet) kaya hindi pa nahaharap ang pagpapadala sa humigit-kumulang sa 4 na buwan pa na sahod ni Odet. Sabi nga ng ilan, huwag na ring kunin, donasyon na lang o di kaya’y hindi naman nila ito ika-yayaman.

Ngunit sa aking pakiramdam,marapat lang na makuha ito at igiit. Karapatan ito ng isang tao, isang babaeng manggagawa sa bahay na nagtiis na mahiwalay sa kanyang pamilya, nagpakapagod at nasadlak sa sitwasyong hindi naman niya ginusto, na ni sa guni guni ay di inakala, ang makulong sa ibang bansa.
Sa kasalukuyan si Odet ay patuloy na namumuhay ng simple, masaya, at may maliit na negosyo. Ngunit kaiba sa sinasabi noon ni Nadia, na gusto nya maipon ang sahod ni Odet para makapag negosyo, kung kaya’t di nya ito pinasasahod, sa isang usurero o sa 5/6 galing ang puhunan ni Odet.

Kapag tinatanong namin ngayon si Odet tungkol sa naging karanasan nya sa bansang Malaysia, kasama ng kanyang mga amo, mangiyak ngiyak na sinasabi nyang pakiramdam nya ay naagrabyado sya at gusto nya raw makapagtamo ng katarungan, unang una ay hindi daw sya dapat nakaranas ng pagkakulong sa Malaysian Deportaion Camp kung naging maagap at masigasig sa pag aayos ng papeles nya sina Nadia. Kung napagtanto nila na hindi na sya mabibigyan ng karampatang papeles, sana ay pinauwi na lang siya sa Pilipinas sapagkat hindi nya naman kahit kalian pinagarap na maging isang illegal alien sa bansang iyon at di lamang iilang ulit nyang nabanggit sa kanila ang kagustuhan nya nang makauwi ditto sa Pilipinas. Pangalawa, bakit kaya hinold ang kanyang sahod? Wala kayang malisyosong intensyon sila Nadia sa pag gawa nito? Kung sinsero sila sa kanilang dahilan na para makaipon ng puhunanan si Odet, bakit hanggang ngayon ay hindi nila ito ibibibigay? Pero kapag naiisip na nya ang salimuot na kanyang haharapin upang matamo ang inaasam nyang katarungan, ay agad nyang naiisip na ipagpasa Dyos nalang ang lahat ng ito. Bahala na daw ang Dyos na gumawa ng paraan upang maglinaw ang isipan nila Nadia at tupdin nila ang kanilang pangako na ipapadala sa kanya ang kanyang nalalabing sweldo sa lalong madaling panahon. Sana daw ay magkaroon sila na tinatawag na “ISANG SALITA”

Wednesday, February 13, 2008

Brief Resume

Full name: JOSEPH MARQUEZ AQUINO
Mailing Address:
6224-A Pili St., Area-D, Camarin 2, Caloocan City, Metro Manila, Philippines
Email Address: oseaquino@gmail.com
Mobile Phone: (+632) 919-7616007

SOCIAL DEVELOPMENT EXPERIENCE:

INSTITUTE FOR SOCIAL CHANGE AND URBAN DEVELOPMENT (ISCUD), INC.
A Caloocan City based institution on secure land and home tenure of the urban poor and on good urban local governance, within the strategy of multi-stakeholders convergence.

-Executive Director / Trustee (December 3, 2004 – Present)
-Board Secretary / Trustee (October 12, 2004 – December 3, 2004)

NATIONAL URBAN POOR SECTORAL COUNCIL (NUPSC)
A Consultative and policy-recommending institution mandated under Republic Act 8425 – Social Reform and Poverty alleviation Act – which holds quarterly sessions representing the urban poor sector of the National Anti-Poverty Commission (NAPC).

-Technical Assistant, Volunteer Secretariat (2005-2008) (May 5, 2005 – Present)
-Technical Assistant, Volunteer Secretariat (2002-2005) (September 29, 2002 – May 5, 2005)


KRISTONG HARI FOUNDATION, INC. (KHFI)
A Quezon City based non-government organization (NGO) assisting the urban poor families in Quezon City on advocacy programs for secure Land Tenure, headed by its Founding President, Fr. Joel E. Tabora, S.J.

-Project Assistant – DENR (KHFI-PhilSSA) LAMP Project (Sept 2003 – April 2004)
-Training & Documentation Program - MISEREOR Project (March 2003 – August 2003)

PHILIPPINE JUBILEE NETWORK (PJN)
A Year-2000 Time-bound Campaign and Network Organization which campaigned for the Sabbath of land, earth, debt, oppression and in reclaiming the feminist principles.

-Co-Coordinator Staff (January 1999 - 2000)
-Coordinator, Filipino Youth for Jubilee (January 1998 - 2000)

CENTER FOR PASTORAL CONCERNS (CPC), INC.
A Non-Government Organization organizing, training and networking the youth, women and the urban poor for community reforms, social issues and community-oriented value-formation.

-Multi-sector Campaign & Networking Program Officer (1999 – December 2000)
-Multi-sector Training Program/ (1998)
-Youth Program Education Officer - Part-Time (1996 -- 1997)
-Youth Program Coordinator (1994 – 1995)
-Youth Program Organizer (June 1992 – 1993)

OFFICE OF HON. ROMEO SANTOS, HOUSE OF REPRESENTATIVES
(1st Congressional District, Caloocan City)

-Coordinator, Youth Sector (1991 – April 1992)

BARANGAY 178, CALOOCAN CITY, METRO MANILA

-Chair, Kabataang Barangay (1989-1992)
-Ex-Officio Member Barangay Council, (1989-1992)

Act! Move! Share!

Better do something imperfectly than do nothing flawlessly!